Archive for July, 2005

minsan para sa isang mahal kong kaibigan na di ko na nakita

Friday, July 29th, 2005

Minsan

minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan


may mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay


sa ilalim ng iisang bubong


mga sekretong ibinubulong


kahit na anong mangyari


kahit na saan ka man patungo


ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon


sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan


at kung sakaling gipitin ay laging iisipin


na minsan tayo ay naging


tunay na magkaibigan


minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin


inuman sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan


sa ilalim ng bilog na buwan


mga tiyan nati'y walang laman


ngunit kahit na walang pera


ang bawat gabi'y anong saya


minsan ay hindi ko na alam ang nangyayari


kahit na anong gawin


lahat ng bagay ay merong hangganan


dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon


di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan


ngunit kung sakaling mapadaan baka


ikaw ay aking tawagan


dahil minsan tayo ay naging


tunay na magkaibigan


tehaze. =’(

ballpen

Friday, July 15th, 2005

Nga pala kanina may weird na mama. bumili ako ng bolpen sa kanya tapos bago nya ako suklian, tianong nya ako ng "tiga-up ka ba?". sabi ko "opo, taga-up po"

mama: pwede bang ma-interview ka? (smile)

kat: nako late na po ko sa klase ko.. pero sige po. ano po yun?

mama: totoo ba na ayaw nyong mga tiga-up kay gloria? ha? ha?! (smile)

kat: hati po yung pananaw namin pagdating do…

mama: sagutin mo lang ako kung oo o hindi!

kat: ah kasi po…

mama: gusto mo ba kay susan?

kat: di po. (magpapaliwanag na dapat ng side na… eh di ko naman talaga gusto si susan at di rin naman kay gloria pero sinong presidente!?)

mama:ah hinde! hinde! tapos na ang usapan! wala na tayong paguusapan!

aba! at bigla ba naman ako inisnab! talikuran daw ba beauty ko! ayaw pa nga ata ibigay sa kin ung ballpen na nabayaran ko na ng sampung piso no! inentertain pa nya ako para bumili tapos sungitan lang pala ako ng hayop na yon.

naisip ko lang na if ever na magkakaroon na nang clash ang mga pro-gloria, pro-susan, at ang mga katulad kong sinusungitan! (haha! wala akong gusto sa kanilang dalawa pero kawawa ang pilipinas pag kay noli din napunta! at lalong pag kay susan! ewan!) mahihirapan tayong lahat. di ka pala talaga eentertainin nung iba.. basta against susan ka, babastusin ka na! aba! asan ang consumer rights  dito!?! di naman ako si gloria ah! ni wala pa nga akong sinabi na pre-admin ako nagconclude na kagad ang loko… ewan. ang labo ni lolo. haha. nakaranas na ako ng rejection galing kay lolong tindero. la naman ako gusto gawin. Gusto ko lang naman bumili ng nagba-blot nyang ballpen masisigawan pa! haha! pathetic itsura ko! hehe. Palayasin daw ba ko! shock na shok eh! hehe. katawa!